talino!!!Ang Labo ng Love Story na to…pero nangyari talaga!

(itinago ang mga tunay na pangalan)

Nagsimula ang lahat ng nagkakilala si Angela na isa kong frend at si Kevin na tambay sa kanto sa isang party na naganap sa barangay namin.

Nagkita sila at instantly…poof…parang majika, nagka inlaban na sila.

Nag tetext sila lagi, at nag tetelebabad na parang ala nang bukas.

At si Angela na dati e napakatinung kausap ay walang nang kinuwento kungdi si Kevin.  Kesyo, ang gwapo ni Kevin, ambait ni Kevin, ang sweet ni Kevin, ang totful ni Kevin, ang amoy ni  Kevin, ang mukha ni Kevin, paa ni Kevin…Kevin, Kevin, Kevin, Kevin…kay sarap i-Kevin ng pagmumuka niya.

Lahat yon ay nangyari 5 months ago…

Ngayon, si Angela ay wala nang ginawa kung hindi umiyak.  Ito palang si Kevin ay isang guy na ubod ng la-kwenta.  Ng nagsabog si God ng responsibility, sensitivity at tamang pag-uugali ukol sa babae e nasa pinaka malalim na kweba si Kevin, natutulog.

Si Angela ay isa lang pala sa mga babae ni Kevin, at lagi silang nag aaway, at lagi siyang hinihingan ng load na pinantutustos ni Pogi sa mga ibang gels niya. 

Ang di ko pa ma-gets ay wala nga si Kevin sa antas ng pag ka-gwapo ko (taob!), pero patay na patay ang mga girls sa kaniya.

Hay, at kagabi nung umiiyak si Angela sa terrace namin at nadaanan ko siya, napatanung ako.

“Bakit di mo ibreak yung kumag mong boyfriend?  Andito naman ako e…”

Joke yung ending…tinanung ko lang bat niya hindi na lang i-break yung kumag niyang boyfriend.

At sinabi niya ang pinaka cliche na dialogue sa buong mundo.

“Mahal ko na siya e…”

Wow!  Martyr! Sarah Crew ikaw ba yan?  Ang labo talaga ng mga ibang tao no?  Alam na nilang nasa isang relationship sila na mali at puro sakita at puro away at puro gulo, at puro selos…pero lagi pa ding patuloy pa din pinaglalaban ang mga nararamdaman nila.

Predictable pain is always better than an uncertain future – sabi ng isang pastor sakin.  And i realized na this was actually true.  Thats why there are battered wives everywhere and that’s why there are friendships and relationships that go on even if it’s not beneficial anymore.

Well, all i can say is that, i guess there really is a reason why the brain is on top of the heart.  And that’s because God wants us to think first before we let our emotions decide for us.  So i really wish that my friend wakes up soon.  I hope she starts using her head that Kevin is a bozo!  It’s true that Love always believes that a person can change, and to love is to always hope…

Pero naman…ang utak may silbi din!

Sigh…daming bopols tlaga…

Advertisements